Advertisement

Responsive Advertisement

"WALANG SPECIAL TREATMENT DITO, LAHAT NG PANGALAN NABANGGIT SASANTUHIN NATIN" SEN. PING LACSON INIMBITAHAN SI EX-HOUSESPEAKER MARTIN ROMUALDEZ SA BLUE RIBBON HEARING SA NOV 14

Martes, Nobyembre 11, 2025

 



Kinumpirma ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na iimbitahan sa Senate Blue Ribbon Committee hearing sa Nobyembre 14 sina House Speaker Martin Romualdez, Cong. Eric Yap, at 17 iba pang kongresista na umano’y idinawit ng mga Discaya brothers sa isyu ng katiwalian at anomalya sa paggamit ng pondo ng pamahalaan.


Ang naturang imbestigasyon ay bahagi ng pagpapatuloy ng malalimang pagdinig ng Senado sa mga alegasyon ng korapsyon sa ilang ahensya ng gobyerno na umano’y may kaugnayan sa ilang mambabatas.


Sa isang pahayag, iginiit ni Senador Lacson na walang exempted o sagrado sa gagawing imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee. Aniya, kahit mataas na opisyal o kaalyado ng administrasyon, dapat ay humarap sa Senado kung may alegasyon ng katiwalian.


“Walang special treatment dito. Lahat ng pangalan nabanggit sasantuhin natin. Hindi ito panghuhusga, ito ay para sa katotohanan.” -Sen. Ping Lacson


Dagdag pa ni Lacson, layunin ng komite na malinawan ang publiko kung may katotohanan ba sa mga paratang ng mga Discaya brothers o ito ay bahagi lamang ng political maneuvering.


Habang papalapit ang Senate Blue Ribbon Committee hearing sa Nobyembre 14, tumutok ang mata ng publiko sa Kongreso, lalo na sa mga pangalan ng mga opisyal na nadawit sa isyu ng katiwalian. Ang pahayag ni Senador Ping Lacson ay malinaw: walang exempted pagdating sa paghahanap ng katotohanan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento