Kinumpirma ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nakarating sa kanya ang impormasyon na may ginagawang plano upang mapatalsik siya sa pwesto bilang pinuno ng Senado. Ayon kay Sotto, ang balitang ito ay nanggaling sa mapagkakatiwalaang source at sinasabing may ilang senador umano ang kinakausap o nililigawan upang sumuporta sa naturang hakbang.
Bagama’t aminado siyang may kumakalat na galaw sa likod ng Senado, nananatili raw siyang kalma at kumpiyansa na mananatili sa kanya ang tiwala ng mga kapwa niya mambabatas.
Sa isang panayam, sinabi ni Sotto na hindi niya itinuturing na personal na laban ang planong pagpapatalsik sa kanya. Ayon sa kanya, normal lang daw sa politika ang ganitong mga galawan, ngunit naniniwala siyang mananatili ang respeto at tiwala sa loob ng Senado.
Sa hiwalay na panayam, Senador Ping Lacson isa sa mga malapit na kaalyado ni Sotto ay kinumpirma rin na may mga kumikilos nga para sa posibleng leadership change.
“Kung mapatalsik ako, hindi ako kawalan. Ang importante, magpatuloy ang Senado sa pagiging independiyente. Kung ang kapalit ko ay mas makabubuti sa bayan, susuportahan ko pa siya.” - Tito Sotto
Sa gitna ng usaping pampulitika sa loob ng Senado, nananatiling matatag at kalmado si Senate President Tito Sotto, habang pinagtibay ni Sen. Ping Lacson na may mga “galawang politikal” nga na nagaganap. Habang walang kumpirmadong pangalan o opisyal na hakbang pang inilalabas, malinaw na umiinit na naman ang politika sa loob ng Mataas na Kapulungan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento