Advertisement

Responsive Advertisement

"KUNG MALAWAK UTAK MO PWEDE MO GAMITIN FB PAGE MO AS VALID ID" PHILIPPINE LOOPER SINAGOT ANG MGA BASHERS SA ISYU NG PAGGAMIT NG VALID ID

Martes, Nobyembre 11, 2025

 



Matapos mag-viral ang video ng Philippine Looper na si Ferdinand Dela Merced kung saan makikitang sinubukan niyang gamitin ang kanyang Facebook page bilang valid ID, agad itong umani ng batikos at pangungutya mula sa mga netizens.


Ngunit sa isang follow-up post, nilinaw ni Ferdinand ang buong pangyayari at ipinaliwanag ang kanyang panig, sabay patutsada sa mga taong mabilis manghusga.


Sa kanyang paliwanag, iginiit ng Philippine Looper na may koneksyon sa tunay na identidad ng isang tao ang mga professional account o page na na-verify sa Facebook o Meta.


“Kung malawak utak mo at nasa mundo ka ni Meta, pwede mo pakita yan. BAKIT? Kung nag professional dashboard ka o FB page ka, kinukuha ni Meta ‘yan personal info mo. Diba nag-send tayo kay Meta ng VALID ID” - Ferdinand Dela Merced


Paglabas ng paliwanag ni Ferdinand, muling nag-init ang mga komento ng netizens. Marami kumontra sinasabing hindi pa rin ito maituturing na lehitimong identification.


Ayon kay Ferdinand, wala siyang ginawang masama at kung naiintindihan lang ng iba ang kanyang punto, hindi sana lumaki ang isyu. Dagdag pa niya, sanay na siya sa mga bashers, pero hangga’t alam niyang wala siyang ginagawang mali, hindi siya matitinag.


Sa panahon ngayon ng social media, isang maling interpretasyon lang ay pwedeng magbunga ng malaking kontrobersiya. Para kay Ferdinand Dela Merced, ang isyu ay hindi tungkol sa paggamit ng Facebook bilang ID, kundi sa kakulangan ng pag-unawa at mabilis na paghusga ng mga tao online.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento