Binigyang-diin ni Zambales 1st District Representative Jay Khonghun na ang tagumpay ng Kamara ay hindi nakasalalay sa iisang tao o lider, kundi sa kolektibong pagkilos at pagkakaisa ng mga kongresista sa kabila ng magkakaibang pananaw at partido. Ayon sa kanya, ang paggalang sa opinyon at kooperasyon ng bawat isa ang dahilan kung bakit nananatiling matatag ang institusyon sa gitna ng mga isyu at kontrobersiya.
“Walang sunod-sunuran dito sa Kamara. We work together kasi may tiwala kami sa isa’t isa. Ang boto namin ay hindi para sa isang tao, kundi para sa bayan,” -Rep. Jay Khonghun
Giit ni Khonghun, ang pagkakaisa at koordinasyon sa loob ng Kongreso ang nagbibigay daan sa mas mabilis at mas epektibong paggawa ng mga batas na may direktang epekto sa mamamayan. Anya, kung walang pagkakaisa, madalas na natatali sa politika ang mga reporma at naaantala ang serbisyo para sa mga tao.
Binigyang-diin din ni Khonghun na ang bawat kongresista ay may kanya-kanyang prinsipyo, ngunit ang layunin nila ay iisa ang mapabuti ang buhay ng mga Pilipino. Ang pahayag ni Rep. Jay Khonghun ay nagbibigay-diin sa bagong mukha ng pamumuno sa Kamara, demokratiko, bukas, at makatao.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento