Advertisement

Responsive Advertisement

“BINABOY NILA ANG 2023-2025 BUDGET, MAY POSIBILIDAD NA BABABUYIN RIN NILA ANG 2026 NATIONAL BUDGET” VP SARA DUTERTE BINANATAN ANG KONGRESO

Huwebes, Nobyembre 27, 2025

 



Naglabas ng matapang na pahayag si Vice President Sara Duterte laban sa mga kongresista na aniya’y posibleng muling “babuyin” ang panukalang 2026 national budget. Ayon sa kanya, kahit paulit-ulit nang sinasabi ng mga mambabatas na hindi na mauulit ang mga isyung kinaharap ng 2025 budget, hindi raw niya nakikita ang tunay na pagbabago sa loob ng Kamara.


“Kahit sabihin nila na hindi na mauulit ang korapsyon katulad ng 2025, nakita niyo naman ang budget mula 2023 hanggang 2025 binaboy nila. Malamang, agawan na naman ng pondo sa 2026. Hindi imposible na bababuyin rin nila ito” - VP Sara Duterte


Giit ni Duterte, hindi sapat ang mga pangako ng “transparency” at “accountability” kung ang mga taong gumagawa ng batas ay sila ring lumalabag dito. Ayon sa kanya, ang paulit-ulit na isyu ng budget insertion, pork barrel-style allocation, at kickback allegations ay patunay na hindi pa rin tuluyang nagbabago ang sistema sa pamahalaan.


Ang matapang na pahayag ni Vice President Sara Duterte ay isang babala at paalala sa Kongreso na ang taumbayan ang tunay na may-ari ng pambansang budget. Sa kabila ng mga pangakong reporma, binigyang-diin niya na walang saysay ang transparency kung walang pananagutan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento