Advertisement

Responsive Advertisement

"SINISIGURO NAMIN NA HINDI NA MA-UULIT ANG KORAPSYON SA 2025 BUDGET" REP. SANDRO MARCOS MAINGAT NA SINUSURI ANG ₱6.7 TRILYONG 2026 NATIONAL BUDGET

Miyerkules, Nobyembre 26, 2025

 



Ibinahagi ni House Majority Leader Sandro Marcos na halos wala siyang tulog sa patuloy na pagsusuri sa ₱6.7 trilyong pambansang budget para sa 2026, na layuning maiwasan ang mga pagkukulang at iregularidad na lumitaw sa budget ng nakaraang taon. Ayon kay Marcos, ang bagong panukalang pondo ay dumaan sa maingat na pagsusuri, cross-verification, at transparency sessions upang matiyak na bawat pisong ilalaan ay may malinaw na direksyon at benepisyo para sa mamamayan.


“Hindi kami natutulog para lang masiguro na ang pondong ito ay mapupunta sa tama. Lahat ng ahensya ay kailangang magpaliwanag saan gagamitin, sino ang makikinabang, at paano mapapanagot" -Rep. Sandro Marcos


Binanggit ni Marcos na layunin nilang gawing pinakamalinaw at pinaka-accountable na budget deliberation sa kasaysayan ng Kongreso.


Giit niya, hindi na dapat maulit ang mga isyung may kaugnayan sa anomalya sa 2025 budget, na nagdulot ng pagdududa sa integridad ng ilang proyekto ng gobyerno.


Ang masusing pagtutok ni Rep. Sandro Marcos sa 2026 national budget ay patunay ng bagong direksyon tungo sa mas malinis, tapat, at makataong pamamahala. Sa kabila ng mahabang oras ng deliberasyon, ipinakita ni Marcos ang dedikasyon na siguruhing walang pisong masasayang at walang Pilipinong mapag-iiwanan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento