Nagpahayag ng taos-pusong pag-aalala si Vice President Sara Duterte para sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa gitna ng mga kumakalat na usapan tungkol sa umano’y pagkapagod at panghihina ng Pangulo dahil sa sunod-sunod na pambansang isyu. Ayon kay Duterte, nakikita niyang labis na nagtatrabaho ang Pangulo at maaaring kailanganin nitong magpahinga nang mas matagal upang tuluyang makabawi sa kalusugan.
“Alam kong may mga pinagdadaanan siyang problema sa kalusugan at iyon ang pangunahing dapat niyang pagtuunan. Handa naman akong pumalit kung kinakailangan na magpahinga ng pangulo" -VP Sara Duterte
Ayon kay Duterte, kung gugustuhin ng Pangulo na pansamantalang bumitaw sa kanyang mga tungkulin upang makapagpahinga at makarekober, handa siyang tumayo bilang pansamantalang lider ng bansa upang mapanatili ang direksyon ng pamahalaan.
Binigyang-diin ng Bise Presidente na ang tunay na liderato ay nasusukat hindi lang sa kapangyarihan, kundi sa malasakit. Ang pahayag ni Vice President Sara Duterte ay hindi lamang pagpapakita ng malasakit, kundi ng kakayahan at kahandaang tumugon sa tawag ng tungkulin sakaling mangailangan ng pamamahinga ang Pangulo.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento