Isiniwalat ni dating Senador Antonio Trillanes IV na pinag-uusapan na umano sa ilang political circles ang posibilidad ng tambalan sa pagitan ni Sen. Risa Hontiveros at PNP Chief P/Gen. Nicolas Torre III para sa 2028 presidential elections.
Ayon kay Trillanes, nakikita ng publiko ang kombinasyon ng “mind and muscle” bilang isang makapangyarihang tandem na maaaring magbigay ng bago at balanseng liderato sa bansa.
“Si Risa ang utak ng reporma at ako sa puso ng disiplina.
Kung pagsasamahin mo ang dalawa, makakabuo tayo ng gobyernong matalino pero may tapang, maayos pero makatao,” - Gen Torre
Inilarawan nito ang posibleng tambalan nina Hontiveros at Torre bilang “Mind and Muscle of the Law.” Aniya, si Hontiveros ay kumakatawan sa intelihente, mahabagin, at makataong pamumuno, samantalang si Gen. Torre ay simbolo ng disiplina, katapangan, at integridad sa pagpapatupad ng batas.
Batay sa mga paunang ulat, ang tandem ay maaaring magtutok sa reporma sa hustisya, karapatang pantao, at law enforcement modernization.
Layunin nilang iangat ang tiwala ng publiko sa pulisya at palakasin ang programang laban sa krimen nang hindi sinasakripisyo ang karapatan ng mamamayan.
Ang posibilidad ng Risa Hontiveros – Gen. Nicolas Torre III tandem sa darating na 2028 national elections ay nagbubukas ng bagong perspektibo sa pulitika ng bansa, isang pagsasanib ng makataong pamumuno at disiplinadong pagpapatupad ng batas.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento