Advertisement

Responsive Advertisement

"ANG PONDONG ITO AY HINDI PARA SA AKIN, KUNDI PARA ITO SA INYO" SEC. VINCE DIZON NAKATANGGAP NG MAAGANG CHRISTMAS GIFT, DPWH P568 BILLION BUDGET APRUBADO NA SA 2026

Miyerkules, Nobyembre 26, 2025

 



Matapos ang mahigit pitong oras na deliberasyon sa Senate plenary session, inaprubahan na ng Senado ang panukalang ₱568 bilyong budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa fiscal year 2026.


Ang pagpapatibay ng budget ay naganap bandang alas-dos ng madaling-araw, sa kabila ng mahigpit na pagsusuri at tanungan ng ilang senador tungkol sa mga proyekto ng kagawaran.


Ipinagtanggol ni Senator Sherwin Gatchalian ang panukalang pondo, habang ipinresenta naman ni DPWH Secretary Vince Dizon ang mga pangunahing proyekto na prayoridad ng kagawaran sa susunod na taon. Makikita sa mga mukha ni Sec. Vince Dizon na sa wakas aprubado na rin ang budget.


“Sa tulong ng pondong ito, mas mapapabilis natin ang implementasyon ng mga kalsada, tulay, flood control systems, at iba pang infrastructure projects na direktang makikinabang ang mga Pilipino” -DPWH Secretary Vince Dizon


Ayon kay Dizon, ang malaking bahagi ng ₱568 bilyon ay ilalaan sa mga high-impact infrastructure programs sa ilalim ng Build Better More initiative ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Ang pag-apruba ng ₱568 bilyong budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay isang malaking tagumpay hindi lamang para sa ahensya kundi para sa buong bansa.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento