Advertisement

Responsive Advertisement

“BAKIT HINDI NILA MAGAWANG KIDNAPPIN SI ZALDY CO, GAYA NG GINAWA NILA SA AKING AMA?” VP SARA DUTERTE HINAMON ANG ADMINISTRASYON NI PANGULONG MARCOS

Miyerkules, Nobyembre 26, 2025

 



Nagpahayag ng matinding pagkadismaya si Vice President Sara Duterte sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos nitong mabigong maibalik sa bansa si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, na 


kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad kaugnay ng flood control anomalies.

Ayon kay Duterte, kung nagawa raw noon ng ilang opisyal sa kasalukuyang administrasyon na “kidnappin” ang kanyang ama,  si dating Pangulong Rodrigo Duterte para pwersahang patahimikin, bakit ngayon ay tila walang lakas ng loob na gawin ang parehong hakbang kay Zaldy Co.


Dagdag pa ni Duterte, tila mahina at mabagal ang naging aksyon ng kasalukuyang administrasyon sa paghuli kay Co, samantalang mabilis umano silang kumilos noong panahon na ang target ay isang taong kalaban ng interes ng mga nasa kapangyarihan.


Ayon pa kay Duterte, kung seryoso ang administrasyon sa kampanya laban sa korapsyon, dapat ay ipakita nito ang parehong determinasyon sa pagdakip kay Zaldy Co. Ang pahayag ni Vice President Sara Duterte ay malinaw na mensahe ng pagkadismaya at panawagan para sa pantay na hustisya at tunay na aksyon laban sa katiwalian.


Sa kanyang mga salita, ipinakita niyang hindi dapat gamitin ang batas bilang sandata laban sa kalaban, kundi bilang proteksyon para sa bayan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento