Advertisement

Responsive Advertisement

"NAGKATAON LANG PO NA MAY UMABUSO SA KABAITAN NG ATING PANGULO" REP. JANETTE GARIN BINUWELTAHAN ANG MGA KRITIKO NG PANGULO

Miyerkules, Nobyembre 26, 2025

 



Mariing pinagtanggol ni Rep. Janette Garin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban sa mga kritiko na patuloy na itinuturo siya bilang “mastermind” umano sa flood control anomaly. Ayon kay Garin, mali at hindi makatarungang isisi sa Pangulo ang mga pagkukulang ng mga taong umaabuso sa kanyang kabaitan at tiwala.


“If you want us to reform the system, let us reform the system through a transparent budget process. Meron po tayong proseso, merong sistema, nagkataon lang na may umabuso sa kabaitan ng ating Pangulo. Kaya huwag natin ituro na nasa Pangulo ang kasalanan” - Rep. Janette Garin


Ipinaliwanag ni Garin na ang kabaitan at pagtitiwala ni Pangulong Marcos sa mga opisyal ng gobyerno ay hindi dapat ipakahulugan bilang kapabayaan. Ayon sa kanya, ang Pangulo ay naniniwala sa good faith at proper delegation, ngunit hindi maiiwasan na may ilang opisyal na nagsamantala sa tiwalang ito.


Ayon kay Garin, kung talagang nais ng mga kritiko na maayos ang sistema, dapat ay tulungan ang gobyerno sa pagpapalakas ng transparency sa budget process, hindi ang sisihin ang Pangulo sa bawat isyu. Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Rep. Janette Garin na hindi dapat gawing target si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mga batikos hinggil sa isyu ng flood control anomalies.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento