Advertisement

Responsive Advertisement

"MAGPALIWANAG KA, HUWAG MAGTAGO SA SPOKESPERSON MO" REP. ERICE PANAHON NA PARA DIREKTANG HARAPIN NG PANGULO ANG TAUMBAYAN

Miyerkules, Nobyembre 26, 2025

 



Ipinahayag ni Rep. Edgar Erice ang kanyang pagkadismaya sa tahimik na pananahimik ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa gitna ng mga kontrobersiya, partikular na kaugnay ng mga alegasyon ng korapsyon sa flood control projects. Ayon kay Erice, tila laging nagtatago ang Pangulo sa likod ng kanyang mga tagapagsalita, na sa halip na magpaliwanag, ay puro “pasulot” at “palusot” umano ang sinasabi sa publiko.


“Mr. President, you owe it to the people. Magpaliwanag ka. Huwag kang magtago sa mga spokesperson mo na puro palusot lang” - Rep. Edgar Erice


Giit ng kongresista, bilang pinuno ng bansa, obligasyon ng Pangulo na magsalita at linawin ang mga isyung bumabalot sa kanyang administrasyon. Dagdag pa ni Erice, ang katahimikan ni Marcos ay lalo lamang nagbibigay ng impresyon na may itinatago o iniiwasan itong sagutin.


Binatikos din ni Erice ang mga pahayag ng tagapagsalita ng Palasyo, na aniya’y paulit-ulit na depensa ngunit kulang sa konkretong detalye. Ayon sa kanya, kung talagang walang kinalaman ang Pangulo sa mga isyung kinakaharap ng gobyerno, dapat ay direkta niyang sagutin ang mga paratang.


Ang panawagan ni Rep. Edgar Erice ay isang matapang na paalala sa kahalagahan ng transparency at accountability sa liderato.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento