Isiniwalat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tinangkang i-blackmail ng kampo ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co ang gobyerno sa gitna ng patuloy na imbestigasyon kaugnay ng flood control anomalies. Ayon sa Pangulo, isang abogado ni Co ang lumapit umano sa Malacañang at nagbanta na kung kakanselahin ang passport ng dating kongresista, maglalabas ito ng mga video laban sa administrasyon.
“Nilapitan po kami ng abogado ni Zaldy Co at nagtatangkang mag-blackmail na kung hindi po namin kakanselahin daw ang passport niya, hindi na raw siya maglalabas ng video” - Pangulong Ferdinand Marcos Jr
Mariin ang naging tugon ng Pangulo sa umano’y banta ng kampo ni Co.
Ayon sa kanya, hindi kailanman makikipagkasundo ang gobyerno sa mga taong gumagamit ng pananakot o disinformation upang takasan ang batas.
Binuweltahan din ng Pangulo ang mga nagsasabing ginagamit ng gobyerno ang isyu upang sirain ang oposisyon. Ayon kay Marcos, ang tanging layunin ng administrasyon ay linisin ang pamahalaan at ipakita na walang puwang ang korapsyon, gaano man kataas ang posisyon ng sangkot.
Ang matapang na pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay malinaw na mensahe sa lahat ng sangkot sa katiwalian: hindi siya uurong, at lalong hindi siya matatakot sa mga pananakot o blackmail.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento