Hindi napigilan ni dating COMELEC at COA Commissioner Atty. Rowena “RPG” Guanzon ang kanyang galit matapos mapanood ang panayam ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla hinggil sa flood control anomaly.
Sa panayam, sinabi ni Remulla na si dating Ako Bicol Representative Zaldy Co umano ang “mastermind” ng mga katiwaliang kasalukuyang iniimbestigahan, at si dating Usec. Bernardo naman ang “architect” ng operasyon.
Tumigil ka nga Jonvic Remulla. Kung mag-iimbestiga ka, gawin mo nang maayos. Hindi ‘yung basta ka na lang magtuturo nang walang solidong ebidensya. Hindi lahat ng tao maniniwala sa katangahan mo,” -Atty. Rowena Guanzon
Tinuligsa ni Guanzon ang pahayag ni Remulla at tinawag itong “irresponsable at mababaw.”
Ayon kay Guanzon, malinaw na tinatangka ni Remulla na ibaling ang sisi sa mga middlemen at maliliit na contractor, habang pinoprotektahan ang mga nasa mataas na posisyon na umano’y paulit-ulit nang nababanggit sa mga exposé ni Zaldy Co. Giit pa ni Guanzon, dapat maging maingat ang mga opisyal ng gobyerno sa pagbibigay ng pahayag sa publiko dahil maaaring makaapekto ito sa proseso ng hustisya.
Ang matapang na pahayag ni Atty. Rowena Guanzon laban kay DILG Secretary Jonvic Remulla ay nagbukas ng panibagong usapin tungkol sa responsableng komunikasyon at pananagutan ng mga opisyal sa gitna ng mga isyung pambansa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento