Advertisement

Responsive Advertisement

"OF COURSE, FIT TO LEAD ANG ATING PANGULO. ARAW-ARAW SIYANG NAGTATRABAHO, WALANG PAHINGA" ATTY. CLAIRE CASTRO IPINAGMAMALAKI ANG KALUSUGAN NI PANGULONG MARCOS

Biyernes, Nobyembre 28, 2025

 



Mariing itinanggi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro ang mga kumakalat na usap-usapan hinggil sa umano’y pagbibitiw sa puwesto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa kalusugan nito. Sa panayam ni Ivan Mayrina, diretsahan siyang tinanong kung “fit to lead” pa ba ang Pangulo at walang pag-aatubiling sinagot ito ni Castro:


“Oo, fit to lead si Pangulong Bongbong Marcos. Araw-araw siyang nagtatrabaho, walang pahinga, walang bakasyon, at patuloy na pinangangasiwaan ang mga gawain ng gobyerno,” - Atty. Claire Castro


Binigyang-diin ni Castro na malinaw ang patunay ng kalusugan ni Pangulong Marcos ang kanyang kakayahang magdonate ng kidney, isang bagay na hindi magagawa ng sinumang may sakit o mahina ang pangangatawan.


Dagdag pa niya, taliwas sa mga tsismis sa social media, aktibong dumadalo ang Pangulo sa mga meeting, briefing, at public engagements, at patuloy na pinapatunayan ang kanyang determinasyon na pangunahan ang bansa.


Sa gitna ng mga lumalabas na balita tungkol sa kalusugan at umano’y pagbibitiw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., mariing pinabulaanan ni Atty. Claire Castro ang mga haka-haka at pinatunayan na fit to lead, healthy, at aktibo pa rin ang Pangulo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento