Advertisement

Responsive Advertisement

FORMER JUSTICE CARPIO HINDI BILIB SA TALINO NI SEN. MARCOLETA “HE BELONGS TO THE LOWEST RANK OF LAWYERS”

Biyernes, Nobyembre 28, 2025

 



Matapang na binatikos ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio si Senator Rodante Marcoleta matapos siyang tanungin kung saan nito iraranggo ang senador sa hanay ng mga abogado sa bansa. Sa isang panayam, hindi nagpaligoy-ligoy si Carpio at diretsahang sinabi:


“He belongs to the lowest rank,” - Antonio Carpio


Ayon sa dating mahistrado, hindi raw maituturing na “legal luminary” si Marcoleta dahil sa kakulangan umano nito ng lalim at kaalaman sa mga usaping pang-konstitusyon at jurisprudence.


Paliwanag ni Carpio, hindi sapat ang pagiging maingay o madalas magsalita sa plenaryo upang masabing mahusay na abogado o mambabatas. Aniya, ang tunay na tagapagtanggol ng batas ay marunong magbalanse ng argumento, may respeto sa proseso, at may kakayahang unawain ang esensya ng batas.


Ang matapang na pahayag ni Former Associate Justice Antonio Carpio laban kay Sen. Rodante Marcoleta ay nagbukas ng panibagong diskusyon sa antas ng legal competence ng ilang mga mambabatas sa bansa.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento