Isang nakakagulat ngunit makabuluhang balita ang bumungad sa publiko matapos ibalik ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) District Engineer Henry Alcantara ang ₱110 milyong piso sa gobyerno bilang bahagi ng tinatawag na “restitution” o pagbabalik ng perang nakuha mula sa anomalya.
Sa isang isinagawang panayam, naglabas ng emosyonal na pahayag si Henry Alcantara. Aminado siya na nagkamali at labis na pinagsisisihan ang kanyang naging desisyon habang nasa puwesto sa DPWH.
"Nagsisisi na po ako, sana mapatawad niyo ako" -District Engineer Henry Alcantara
Ayon kay Alcantara, matagal niyang pinag-isipan ang hakbang na ito matapos makonsensya sa lumalalang isyu ng flood control anomaly, kung saan nabanggit din ang ilang dating opisyal ng DPWH at contractor na sangkot.
Kinumpirma ito ni Secretary of Justice Fredderick Vida, na nagsabing isinauli ni Alcantara ang halaga sa pamamagitan ng kaniyang abogado. Ang hakbang na ito ay bahagi ng kanyang pagsisikap na makabawi at mapagaan ang kanyang pananagutan sa batas.
“Ito ay isang hakbang na nagpapakita ng pagsisisi.
Ang pagbabalik ng pera ay hindi pagbura sa kasalanan, ngunit isa itong senyales ng kagustuhang maitama ang mali,” - DOJ Secretary Fredderick Vida
Ang hakbang ni Henry Alcantara na ibalik ang ₱110 milyon sa gobyerno ay malaking hakbang patungo sa moral at legal na pagtutuwid.
Bagaman hindi nito ganap na binubura ang kasalanan, ipinapakita nito na may pag-asa pang bumalik ang katapatan sa serbisyo publiko.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento