Advertisement

Responsive Advertisement

"KUNG TUTUUSIN PO ANG ₱500 BUSOG NA ANG BUONG PAMILYA" DTI SECRETARY PINANINDIGAN SAPAT NA ANG ₱500 PARA MAKAPAG-NOCHE BUENA

Biyernes, Nobyembre 28, 2025

 


Ipinahayag ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pamumuno ni Secretary Cristina Roque na kayang-kaya ng pamilyang Pilipino na maghanda ng Noche Buena sa halagang ₱500. Ayon kay Roque, ito ay batay sa ginawang kalkulasyon ng ahensya kung saan sinuri nila ang presyo ng mga pangunahing sangkap sa mga paboritong handa tuwing Pasko gaya ng spaghetti, hamon, at macaroni salad.


“Kung tutuusin, ₱500 makakabili ka na ng ham, makakagawa ng macaroni salad, at may spaghetti ka pa. Siyempre, depende rin kung ilan ang kakain,” - DTI Secretary Cristina Roque 


Dagdag pa ni Roque, layunin ng kanilang pag-aaral na ipakita na posible pa ring magkaroon ng masayang Pasko kahit limitado ang budget, basta marunong lang magplano at mamili ng maayos.


Ayon kay Roque, hindi kailangang imported o branded lahat ng produkto. Maraming lokal na brand na abot-kaya ngunit masarap pa rin. Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, nananatiling optimistiko ang Department of Trade and Industry (DTI) na kayang makapaghanda ang mga Pilipino ng simpleng ngunit makabuluhang Noche Buena.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento