Advertisement

Responsive Advertisement

"HAWAK NIYA SA LEEG ANG MGA RICE IMPORTERS" ZALDY CO INILALAG SI FIRST LADY LIZA ARANETA NA MINAMANIPULA ANG DATOS SA RICE IMPORT

Biyernes, Nobyembre 28, 2025

 



Sa pinakabagong video ni dating Ako Bicol Representative Zaldy Co, muling yumanig ang politika matapos niyang akusahan si First Lady Liza Araneta-Marcos na umano’y may kontrol sa mga rice importers at nanghihimasok sa galaw ng datos at presyo ng bigas sa bansa.


“Nais naming malaman kung bakit hindi bumababa ang presyo kahit ibinaba na ang taripa. Pero bigla itong ipinatigil matapos ilabas ang isang confidential report na nagsasabing si First Lady Liza mismo ang may hawak sa mga importer. Hawak niya sa leeg sila” -Zaldy Co


Ayon kay Co, noong 2024 ay nagkaroon siya ng pag-uusap kay dating House Speaker Martin Romualdez hinggil sa plano na ibaba ang taripa sa imported rice upang bumaba ang presyo sa merkado.


Subalit, makalipas ang apat hanggang anim na buwan, hindi pa rin bumaba ang presyo ng bigas, kaya’t iminungkahi niya ang pagtawag ng isang “quinta committee hearing” upang siyasatin ang nangyayari.


Ibinulgar pa ni Co na mismong si DA Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel ang nagpakita sa kanya ng ulat na nagsasaad ng posibleng koneksyon ng First Lady sa ilang rice importers na nakasama umano nila sa Vietnam visit.


Ang panibagong akusasyon ni Zaldy Co laban kay First Lady Liza Araneta-Marcos ay muling nagpayanig sa publiko at nagpalalim sa isyu ng katiwalian sa importasyon ng bigas.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento