Matindi ang naging pahayag ni Kamanggagawa Partylist Representative Eli San Fernando laban sa Department of Trade and Industry (DTI) matapos nitong sabihin na kayang makapaghanda ng Noche Buena sa halagang ₱500.
Ayon kay San Fernando, ang naturang pahayag ni DTI Secretary Ma. Cristina Roque ay “insulto sa mga ordinaryong Pilipino,” lalo na sa mga manggagawang araw-araw na nagsusumikap para lang maitawid ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
"Kung talagang naniniwala kang kasya ang ₱500 sa Noche Buena, sabay tayong mamili. Tingnan natin kung anong uri ng spaghetti, hamon, o salad ang mabibili ng halagang ‘yan. Sa presyo ngayon, kape pa lang ubos na kalahati ng ₱500 mo” - Rep. Eli San Fernando
Dagdag pa niya, malayo ang pananaw ng mga nasa posisyon sa realidad ng karaniwang Pilipino. Aniya, madaling magsabi ng “₱500 budget” kung hindi naman sila ang bumibili sa palengke o supermarket.
Ang matapang na pahayag ni Rep. Eli San Fernando ay sumasalamin sa hinanakit ng maraming Pilipino na araw-araw na nakikipagsabayan sa taas-presyo at kakulangan sa sahod.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento