Hindi napigilang magsalita ni dating DILG Secretary Benhur Abalos upang ipagtanggol si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban sa mga paratang na gumagamit umano ito ng ilegal na droga. Ayon kay Abalos, malinaw umano sa kilos, pagsasalita, at trabaho ng Pangulo na walang katotohanan ang mga akusasyon laban dito.
“Tingnan niyo kung paano siya sumagot sa mga tanong. Tingnan niyo ang kanyang kilos yan ba ang isang adik? Hindi,” - Benhur Abalos
Hinimok din ni Abalos ang mga Pilipino na maging mapanuri sa mga kumakalat na impormasyon sa social media. Aniya, madali raw gumawa ng kwento, ngunit mahirap patunayan ang katotohanan, kaya’t dapat raw evidence-based ang mga bintang, lalo na laban sa Pangulo ng bansa.
Pinuri rin ni Abalos ang Pangulo sa patuloy nitong liderato sa kabila ng mga batikos. Sa gitna ng mga isyung ibinabato kay Pangulong Bongbong Marcos Jr., nanindigan si Benhur Abalos na walang katotohanan ang mga paratang. Para sa kanya, mas dapat pagtuunan ng pansin ng mga Pilipino ang mga nagawa at patuloy na ginagawa ng Pangulo para sa bansa, sa halip na mga walang basehang tsismis.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento