Sumali si House Deputy Minority Leader Antonio Tinio sa lumalakas na panawagan na magbitiw sa puwesto sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte matapos pumutok ang isyu ng umano’y bilyong pisong flood control corruption. Ayon kay Tinio, hindi makatarungan na isa lamang sa kanila ang managot kung parehong nababalot ng kontrobersiya ang kani-kanilang opisina.
“Kung magbibitiw si Pangulong Marcos, dapat ay kasama rin si VP Sara. Pareho silang bahagi ng iisang administrasyon at parehong may pananagutan sa bayan” - Rep. Antonio Tinio
Giit ni Tinio, kung pagiging “accountable governance” ang hangad ng publiko, dapat ay magpakita rin ng halimbawa ang dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa. Nag-ugat ang panawagan matapos ilabas ni dating Ako Bicol Rep. Elizaldy “Zaldy” Co ang video na nagsasabing si Pangulong Marcos umano ang nasa likod ng ₱100 bilyong insertion sa national budget.
Dagdag pa ni Tinio, dapat nang buksan sa publiko ang lahat ng dokumento kaugnay ng flood control projects at confidential funds upang tuluyang masagot ang mga tanong ng taumbayan.Para kay Rep. Antonio Tinio, ang tunay na lider ay marunong managot, hindi lang kapag pinipilit ng publiko kundi kapag ito mismo ay handang tumayo sa prinsipyo ng integridad at pananagutan.
Sa gitna ng mga kontrobersiyang kinakaharap nina Marcos at Duterte, nanindigan si Tinio na pareho silang dapat magpakita ng halimbawa ng moral responsibility.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento