Advertisement

Responsive Advertisement

"ISA NA LANG ANG KIDNEY NG ATING PANGULO, HINDI BA KAYO NAAWA" ATTY. CLAIRE CASTRO NANANAWAGAN SA PUBLIKO NA IHINTO NA ANG PATUTSADA AT PANINIRA SA PANGULO

Lunes, Nobyembre 24, 2025

 



Nanawagan si Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa publiko na ihinto na ang patutsada at paninira laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., lalo na sa gitna ng mga lumalabas na isyu tungkol sa kanyang kalusugan at pamumuno. Ayon kay Castro, sa halip na ipahiya ang Pangulo, mas makabubuti umanong suportahan siya at ipagdasal upang maipagpatuloy ang kanyang mga programa para sa bansa.


“Isa na lang ang kidney ng ating Pangulo, hindi pa kayo naawa. Tandaan natin, kapag nahihirapan siya buong bansa ang apektado. Hindi ito panahon ng paninira panahon ito ng pagtutulungan” - Atty. Claire Castro


Binunyag ni Castro na may mga hamon sa kalusugan ang Pangulo, kabilang na ang pagkakaroon umano ng isang nalalabing kidney, dahilan upang mas maging maingat siya sa kanyang pang-araw-araw na gawain. Giit ni Castro, sa halip na gawing sentro ng pangungutya ang ganitong isyu, dapat mas pahalagahan ng mga Pilipino ang kanyang dedikasyon sa kabila ng limitasyon.


Dagdag pa ni Castro, ang patuloy na negatibong komentaryo laban sa Pangulo ay nakakaapekto hindi lang sa kanyang moral, kundi pati sa imahe ng bansa sa mata ng mundo. Sa gitna ng mga batikos at isyu laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ipinaalala ni Atty. Claire Castro na higit sa lahat, tao rin ang Pangulo may nararamdaman, may pinagdadaanan, at patuloy pa ring nagseserbisyo sa kabila ng limitasyon sa kalusugan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento