Matapang na sinagot ni Vice President Sara Duterte ang matagal nang isyung ibinabato sa kanya hinggil sa umano’y ₱150 milyong confidential fund ng Office of the Vice President (OVP). Ayon kay Duterte, walang katotohanan ang mga paratang na may kinalaman siya sa maling paggamit ng nasabing pondo.
“Napakaliit na amount ang ₱150 milyon, bakit kami magnanakaw ng ₱150 milyon? Ang ninanakaw ng Pangulo, bilyon-bilyon” - VP Sara Duterte
Giit ni Duterte, ang lahat ng pondo ng OVP ay dumaan sa tamang proseso at maayos na nailaan para sa mga proyektong may kinalaman sa seguridad, disaster response, at operasyon ng opisina. Dagdag niya, ginagawang isyu lamang ito ng mga kalaban sa politika upang siraan ang kanyang pangalan at mapahina ang kanyang integridad bilang opisyal ng gobyerno.
Hindi rin nakapagpigil si Duterte na batikusin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos umanong siya ang gawing sentro ng isyu ng korapsyon. Sa kanyang pahayag, tahasang sinabi ng Bise Presidente na kung may dapat busisiin, ito ay ang mga bilyong pondong pinamamahalaan ng Malacañang.
Sa kanyang matapang na pahayag, ipinakita ni Vice President Sara Duterte na handa siyang harapin ang isyu ng confidential fund nang walang pag-aalinlangan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento