Advertisement

Responsive Advertisement

"SIYA AY MAGSASALITA NA AT LILINISIN ANG KANYANG PANGALAN" SEN. IMEE MARCOS, KINUMPIRMA NA SI ZALDY CO ANG “VIP WITNESS” SISIPOT SA HEARING SA NOV 14

Huwebes, Nobyembre 13, 2025

 



Inihayag ni Senator Imee Marcos nitong Huwebes na ang dating Ako Bicol Partylist Representative na si Zaldy Co ang inaasahang magiging “VIP witness” sa Senate Blue Ribbon Committee hearing na gaganapin sa Biyernes, Nobyembre 14, 2025, kaugnay ng flood control scandal na patuloy na iniimbestigahan ng Senado.


Ayon sa Senadora, handa raw si Zaldy Co na ilahad ang kanyang panig at linisin ang kanyang pangalan matapos maiugnay sa umano’y ghost projects at anomalya sa flood control funds. Dagdag pa niya, inaasahan na magbubunyag si Co ng mga pangalan ng mga opisyal at negosyanteng sangkot sa iskandalo, kabilang na ang sinasabing mastermind ng naturang anomalya.


“Ayon sa mga impormasyon na natanggap ko, si Cong. Zaldy Co ay magsasalita na at lilinisin ang kanyang pangalan. Handa siyang sabihin sa Senado kung sino ang tunay na utak sa likod ng mga proyekto,” pahayag ni Sen. Marcos.


Ayon kay Imee, ang testimonya ni Zaldy Co ay maaaring magbigay-linaw sa mga isyung ito at maglatag ng matibay na ebidensya laban sa mga opisyal na nagbulsa umano ng pondo ng bayan.


“Hindi na puwedeng puro haka-haka lang. Panahon na para malaman kung sino talaga ang kumita sa mga proyektong hindi naman natapos o hindi totoo,” ani Imee.


Sa panig naman ni dating Cong. Zaldy Co, handa raw siyang humarap at ipagtanggol ang sarili laban sa mga akusasyong may kinalaman siya sa flood control scandal. Dagdag pa ni Co, layunin niyang mailantad ang mga tunay na sangkot sa likod ng mga kuwestyonableng proyekto at tuluyang mapanagot ang mga tiwaling opisyal.


Ang pagharap ni dating Cong. Zaldy Co sa Senate Blue Ribbon hearing ay inaasahang magbibigay ng malaking pagbabago sa takbo ng imbestigasyon. Habang marami ang umaasang lalabas na ang buong katotohanan, ang ilan ay nananatiling maingat sa paghusga hanggang mailabas ang opisyal na resulta ng pagdinig.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento