Kinumpirma ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na nakapaghain na sila ng kahilingan sa Interpol para sa Red Notice laban kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque. Ayon sa ulat, anumang oras ay maaari nang arestuhin at ipadeport si Roque mula sa bansang kinaroroonan niya ngayon. Ang Red Notice ay isang international alert na ginagamit upang tulungan ang mga bansa sa paghuli ng mga pugante.
“The PAOCC has formally requested an Interpol Red Notice for former Presidential Spokesperson Harry Roque. This means he can be arrested anywhere in the world.” - PAOCC Official Statement
Ang Red Notice ay hindi direktang warrant of arrest, ngunit ito ay opisyal na abiso sa lahat ng bansang kasapi ng Interpol na hinahanap ang isang indibidwal para sa kasong kriminal. Kapag ito ay naaprubahan, lahat ng law enforcement agencies sa mahigit 190 na bansa ay maaaring makipagtulungan upang arestuhin ang nasabing indibidwal.
Ayon sa PAOCC, hindi sapat na umiwas o manahimik si Roque sa gitna ng mga akusasyong kinahaharap niya. Giit ng ahensya, dapat harapin niya ang batas at ipaliwanag ang kanyang panig sa korte.
Sa ilalim ng utos ng Presidential Anti-Organized Crime Commission, isinusulong na sa Interpol ang pag-isyu ng Red Notice laban kay dating Spokesperson Harry Roque.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento