Mariing itinanggi ni dating House Speaker Martin Romualdez ang mga paratang na tumanggap umano siya ng pera mula sa mga kuwestiyonableng proyekto ng pamahalaan. Ayon sa kanya, wala siyang kinalaman sa anumang anomalya at hindi niya kailanman pinakinabangan ang “maduming pera.” Sa gitna ng mainit na imbestigasyon hinggil sa flood control project anomalies, iginiit ni Romualdez na malinis ang kanyang konsensya at ang mga ibinibintang sa kanya ay pawang paninira lamang.
“Hindi ko kailangan ang perang galing sa masamang paraan. Hindi ko kailanman gagamitin ang pangalan ko para sa ilegal na transaksyon.” - Martin Romualdez
Ayon kay Romualdez, handa siyang humarap sa anumang imbestigasyon upang patunayan na wala siyang nilabag na batas. Giit niya, wala siyang tinatago at bukas siya sa anumang pagsisiyasat ng Office of the Ombudsman o ng Senado, upang ganap na malinawan ang publiko.
Naniniwala ang dating Speaker na may mga taong sadyang gumagamit ng isyu upang sirain ang kanyang reputasyon at maghasik ng kalituhan sa publiko.
Sa kabila ng mga alegasyon ng katiwalian, nanindigan si Martin Romualdez na malinis ang kanyang pagkatao at wala siyang kinalaman sa anumang ilegal na transaksyon.
Handa siyang patunayan sa korte at sa sambayanan na ang kanyang serbisyo ay nakabatay sa katapatan, integridad, at malasakit sa bayan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento