Advertisement

Responsive Advertisement

"ITATAK NIYO SA UTAK NIYO YAN, ANG BISE PRESIDENTE ANG PAPALIT SA PANGULO” RETIRED GENERAL DE LEON BINIGYANG DIIN NA NAKA SAAD SA KONSTITUSYON ANG LINYA NG PAPALIT

Linggo, Nobyembre 23, 2025

 




Binigyang-diin ni Retired General Orlando E. De Leon na malinaw sa Saligang Batas ng Pilipinas kung sino ang dapat humalili sa Pangulo sakaling mabakante ang posisyon at ito ay walang iba kundi ang Bise Presidente ng bansa. Ginawa niya ang pahayag sa gitna ng mga umiinit na talakayan hinggil sa mga haka-hakang senaryo kung sakali mang mawala sa puwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


“The constitutional successor of the President is the Vice President. tatak n’yo sa utak n’yo ’yan. Walang puwang ang interpretasyon dito.” -Ret. Gen. Orlando E. De Leon


Ayon kay De Leon, hindi maaaring balewalain o baguhin ng anumang grupo o personalidad ang itinakdang proseso ng Konstitusyon. Ipinunto niya na may mga ulat umano ng ilang grupong nagtutulak na ibang lider ang pumalit kung sakaling bumaba o maalis sa puwesto ang Pangulo isang mungkahing tinawag niyang “labag sa batas at walang saysay.”


Hinimok ni De Leon ang publiko na huwag magpadala sa mga maling impormasyon at politikal na intrigahan. Para kay Retired General Orlando E. De Leon, malinaw at hindi dapat pagtalunan: ang Bise Presidente lamang ang karapat-dapat humalili sa Pangulo, ayon sa itinakdang proseso ng Saligang Batas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento