Isa sa mga pinakatampok na sandali sa Miss Earth 2025 coronation night na ginanap nitong Miyerkules, Nobyembre 5, ay ang matapang na sagot ng Miss Earth Philippines 2025 Joy Barcoma sa question and answer portion, isang pahayag na tila may pasaring kay Senator Erwin Tulfo kaugnay ng kontrobersyal nitong pahayag tungkol sa batas.
Habang todo ang kumpiyansa at paninindigan ni Joy sa entablado, binitawan niya ang mga salitang agad na umalingawngaw sa buong venue:
“No one is above the law and we hope that everyone can hear this message. Every decision that our politicians are making. Every policy that our government officials are passing for our people affects the lives of everybody. Social justice, environmental justice, is also human justice. And so we must make sure that every law we pass is a right for every person on Earth.”
Bagaman hindi direktang binanggit ni Joy ang pangalan ng sinuman, marami ang nakapansin na ang kanyang mensahe ay tumugma sa kamakailang isyu sa Senado, kung saan naglabas ng pahayag si Sen. Erwin Tulfo sa gitna ng Blue Ribbon hearing:
“Sometimes we have to bend the law to be able to please the people. Mas mataas po ang taong bayan kaysa sa batas.”
Ang linyang ito ni Tulfo ay umani ng matinding reaksyon sa publiko may pumuri, ngunit marami rin ang bumatikos dahil tila nagbibigay-dahilan para lumabag sa batas sa ngalan ng popularidad. Kaya nang marinig ng mga manonood ang sagot ni Joy Barcoma, marami ang nag-ugnay rito bilang “subtle clapback” o paalala sa mga pinuno ng bansa na walang sinuman kahit pa nasa kapangyarihan ang dapat exempted sa batas.
Ang sagot ni Joy Barcoma ay hindi lamang isang pambihirang Q&A moment, kundi isang makapangyarihang paalala sa mga nasa posisyon ng kapangyarihan na ang tunay na lider ay sumusunod sa batas, hindi lumalampas dito.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento