Sa isang matapang na pahayag, dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque ang nanawagan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magbitiw sa puwesto, matapos umanong lumabas ang mga alegasyon na nalulong ang Pangulo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Ayon kay Roque, kung totoo ang mga paratang, ito ay isang malaking banta sa seguridad at kredibilidad ng bansa.
“Kung mahal mo ang taumbayan, hindi mo hahayaang madamay sila sa pagkakamali mo. Ang tunay na lider, marunong bumaba kung siya na ang nagiging problema. - Atty. Harry Roque
Binigyang-diin ni Roque na ang umano’y adiksyon ng Pangulo ay nagdulot ng pangamba sa mga opisyal ng gobyerno at mga mamamayan.
Ayon sa kanya, sa ganitong kalagayan, maaaring hindi na makagawa ng tamang desisyon ang Pangulo, lalo na sa mga usaping may kinalaman sa pambansang seguridad.
Nilinaw ni Roque na ang kanyang panawagan ay hindi bahagi ng anumang pulitikal na kampanya, kundi isang moral na apela bilang dating lingkod-bayan at abogado.
Sa gitna ng mga kontrobersiyang bumabalot sa administrasyon, muling umalingawngaw ang panawagan ni Atty. Harry Roque para sa pagbibitiw ni Pangulong Marcos, kasunod ng mga alegasyong may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento