Patuloy ang tensyon sa pulitika matapos ang malaking rebelasyon ni dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co, na ngayon ay nanganganib umano ang buhay dahil sa pagsisiwalat niya ng mga impormasyon ukol sa umano’y “orchestrated insertion” na kinasasangkutan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at dating House Speaker Martin Romualdez.
“Sana po ay hindi nila ako mapatay bago ko mailabas ang lahat Kung may mangyari sa akin, sana alam n’yo na kung sino” pahayag pa ni Zaldy.
Sa kanyang mensahe, bakas sa tinig ni Zaldy Co ang matinding pangamba para sa kanyang mga anak at asawa.
Sa panibagong mensaheng inilabas ng kanyang dating staff, sinabi ni Co na natatakot na siya para sa kanyang buhay at sa kaligtasan ng kanyang pamilya matapos niyang ihayag ang umano’y katiwalian sa paggamit ng pondo ng gobyerno.
Ayon kay Co, patuloy ang mga pagbabanta sa kanyang buhay matapos niyang ilabas ang video kung saan inilahad niya na mismong si Romualdez ang nagsabi sa kanya ng, “What the President wants, he gets.” patungkol sa umano’y 100 billion peso project insertion na inaprubahan ng Malacañang.
Ang pahayag ni Co ay itinuturing ng mga analyst bilang “political bombshell” na maaaring magdulot ng malaking dagok sa administrasyon ni Pangulong Marcos. Kung mapapatunayan ang kanyang mga paratang, maaari itong magresulta sa malawakang imbestigasyon at posibleng kasong kriminal laban sa mga sangkot.
Hanggang ngayon, walang opisyal na pahayag mula sa Malacañang o sa kampo ni Martin Romualdez. Gayunman, ayon sa mga ulat, naka-alerto na ang mga ahensiyang pangseguridad matapos umanong makatanggap si Co ng serye ng death threats sa kanyang personal na telepono.
Ang sitwasyon ni Zaldy Co ay nagiging maselan at delikado sa bawat araw na lumilipas. Sa gitna ng mga banta sa kanyang buhay, nanindigan siya na ilalabas niya ang katotohanan hanggang sa huling sandali.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento