Muling naging usap-usapan sa social media ang Senador Ronald “Bato” Dela Rosa matapos niyang ibahagi ang larawan niya na may suot na wig, ilang oras matapos ianunsyo ni Ombudsman Boying Remulla ang umano’y pagkakaroon ng ICC warrant of arrest laban sa kanya.
Sa kanyang post, pabirong sinabi ni Sen. Bato na handa na raw siya kung sakaling kailangan niyang magtago.
“Sige lang, pag magpunta ako kahit saan, mag-wig ako para hindi nila ako makilala,” saad ng senador, kasunod ng biro pa niyang ibinabalik daw niya ang kanyang “intel operative days.”
Bagama’t tila biro lamang, nagdulot ito ng halo-halong reaksyon mula sa publiko may mga natawa, ngunit marami rin ang nagtanong kung may halong kaba sa mga salitang binitiwan ng senador.
Makikita sa larawan ni Sen. Bato ang kanyang pagiging palabiro at prangka sa kabila ng mabigat na isyung kinakaharap.
Ayon sa senador, hindi niya intensyong gawing katatawanan ang usapin, ngunit mas mabuti na raw ang magaan na approach kaysa puro stress at takot.
“Matagal na akong sanay sa ganyang klaseng laban. Dati nga ako nag-ooperate bilang intel, kaya marunong din akong magdisguise. Pero biro lang ‘yan ha, hindi ako nagtatago,” sabi ni Sen. Bato sa isang panayam.
Sinabi rin niyang handa siyang harapin ang anumang imbestigasyon, ngunit nanindigan siyang walang hurisdiksyon ang ICC sa mga isyung lokal, lalo na sa “war on drugs” campaign noong siya pa ang PNP Chief.
Ayon kay Ombudsman Remulla, maaaring lumabas anumang araw ang warrant of arrest mula sa ICC, kaya’t nagbigay babala ito sa mga sangkot na maging handa. Ang pag-post ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ng kanyang “disguise photo” ay muling nagpamalas ng kanyang tapang at kabiroan sa gitna ng kontrobersiya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento