Advertisement

Responsive Advertisement

“KAPAG NANALO AKO, MABABAWASAN NG ISANG MAGNANAKAW” ANJO YLLANA, BUKAS NA TUMAKBO BILANG SENADOR SA 2028 ELECTIONS

Huwebes, Nobyembre 6, 2025

 



Muling naging sentro ng usapan si Anjo Yllana, matapos niyang ihayag sa publiko ang kanyang kagustuhang tumakbo bilang senador sa nalalapit na 2028 national elections. Ayon kay Anjo, nais niyang maging boses ng katapatan at reporma sa gobyerno at kung papalarin siyang manalo, tiniyak niyang magiging “honest na senador” siya.


“Kapag nanalo akong senador, mababawasan ng isang magnanakaw. Madadagdagan ngayon ng isang honest na senador kung sakaling manalo ako,” matapang na pahayag ni Yllana.


Sa isang panayam, ibinahagi rin ng dating aktor at TV host na isa sa mga pangunahing adbokasiyang kanyang isusulong ay ang pagbabalik ng death penalty para sa mga corrupt politicians. Ayon sa kanya, panahon nang magkaroon ng mahigpit na batas laban sa mga opisyal ng gobyerno na napatunayang nangungurakot sa kaban ng bayan.


“Ang korapsyon ang ugat ng kahirapan. Kung may death penalty para sa mga magnanakaw sa gobyerno, baka matuto silang matakot. Dapat may tunay na panagot sa mga umaabuso sa kapangyarihan,” dagdag pa niya.


Sa ngayon, aktibo si Anjo sa social media sa pamamagitan ng kanyang TikTok vlog “Anjo & Mr. Wrongbang,” kung saan ibinabahagi niya ang kanyang mga opinyon tungkol sa mga isyung pampulitika at panlipunan. Mayroon na siyang mahigit 94.5K followers, at ayon sa kanya, ginagamit niya ang platform na ito hindi lamang para sa komentaryo kundi para magbigay ng saya at kaalaman sa kanyang mga tagapanood.


“Meron akong opinion segment sa vlog ko. Political analyst ako dito. In fact, lately parang fortune teller na ako kasi siyam sa sampung sinasabi ko, natutupad" - Anjo.


“Ang pinakamaganda, tuwang-tuwa ako kapag sinasabi ng mga viewer na natatanggal ko ang stress nila. Sabi nga nila, ‘Kapag nanonood kami ng show mo, gumagaan ang pakiramdam namin.’” dagdag nito.


Ang pagnanais ni Anjo Yllana na pumasok sa mundo ng politika ay nagpapakita ng bagong direksyon sa kanyang karera mula sa showbiz patungo sa pampublikong serbisyo. Sa kanyang mga pahayag, malinaw na gusto niyang ipakita na ang katapatan at malasakit sa bayan ay maaari ring magmula sa mga dating artista na nagnanais ng pagbabago.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento