Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang matinding babala sa mga natitirang opisyal na sangkot sa substandard flood control project sa Oriental Mindoro. Sa kanyang video, sinabi ng Pangulo na hawak na ng mga awtoridad ang pito sa mga akusado, habang ang iba ay pinasusuko na niya agad-agad.
“Huwag niyong paabutin na ako pa ang dadakip sa inyo. May batas tayong sinusunod at hindi ko hahayaang makalusot ang sinuman sa inyo,” -Pangulong Marcos
Kinumpirma ng Pangulo na pito sa mga pangunahing sangkot sa flood control anomaly ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad. Ang mga ito ay kabilang sa mga opisyal at contractor na responsable umano sa mahina at delikadong pagkakagawa ng proyekto na nagdulot ng panganib sa mga residente ng Oriental Mindoro.
Ayon kay Marcos, dalawa pa ang nagpahayag ng intensyong sumuko, habang pito ang nananatiling at large, kabilang na ang dating kongresista na si Zaldy Co.
Sa matapang na pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ipinakita niya ang seryosong kampanya ng gobyerno laban sa katiwalian. Habang ang ilan sa mga akusado ay sumuko na, nananatiling hamon sa administrasyon ang paghuli sa mga natitirang sangkot.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento