Advertisement

Responsive Advertisement

"GUSTO KO MUNA MAGPAGALING" ZALDY CO, HUMILING NA MA-EXCUSE SA FLOOD CONTROL HEARING SA NOV 14

Huwebes, Nobyembre 13, 2025

 



Ipinahayag ni Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Sen. Panfilo “Ping” Lacson na humiling ng excused appearance si dating Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co sa nakatakdang pagdinig ngayong Biyernes, Nobyembre 14, kaugnay ng flood control projects anomaly.


"Hindi ko kailanman iiwasan ang katotohanan. Kailangan ko lang ng panahon para magpagaling. Sa tamang oras haharap ako sa Senado sa ngayon gusto ko muna magpagaling" -Zaldy Co


Ayon kay Lacson, isang opisyal na liham mula sa abogado ni Co ang natanggap ng komite, na nagsasabing kasalukuyang nagpapagamot sa Estados Unidos ang dating kongresista at sumasailalim sa medikasyon, dahilan kung bakit hindi siya makakadalo sa pagdinig.


“He is currently undergoing medication in the United States and has asked to be excused from tomorrow’s hearing,” pahayag ni Lacson.


Dagdag pa ng senador, hindi rin papayagan si Co na dumalo sa pagdinig sa pamamagitan ng virtual platform, dahil ayon sa Senate rules, hindi maaaring i-cite in contempt ang isang testigong wala sa bansa o hindi pisikal na naroroon sa pagdinig.


Nilinaw ni Sen. Lacson na mahalagang pisikal na humarap si Zaldy Co sa Senado upang personal na sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya.


“Kung wala siya rito, wala kaming legal authority na i-cite siya in contempt o obligahing sagutin ang mga tanong. Kaya dapat siyang humarap sa tamang panahon,” paliwanag ni Lacson.


Ayon sa kanyang abogado, seryoso ang karamdaman ni Co at kailangang manatili sa U.S. para sa gamutan. Gayunpaman, maraming netizens at ilang opisyal ang nagdududa sa timing ng kanyang pag-alis at sa dahilan ng kanyang hindi pagdalo.


Ang pagliban ni Zaldy Co sa nakatakdang Senate Blue Ribbon hearing ay nag-iwan ng maraming tanong sa publiko. Habang sinasabi ng kanyang kampo na ito ay dahil sa kalusugan, marami pa rin ang naniniwala na mahalagang humarap siya sa Senado upang ipagtanggol ang sarili at magbigay-linaw sa mga isyung bumabalot sa flood control scandal.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento