Advertisement

Responsive Advertisement

“NAKAKABADTRIP KAPAG KAMUKA NI DIWATA” RENDON LABADOR BINANATAN SI PHILIPPINE LOOPER FERDINAND DELA MERCED

Huwebes, Nobyembre 13, 2025

 



Muling nagpasabog ng intriga sa social media ang motivational speaker at content creator na si Rendon Labador matapos siyang maglabas ng matapang na komento laban kay Philippine Looper Ferdinand Dela Merced. Ayon kay Rendon, nababatrip daw siya sa hitsura ni Dela Merced dahil aniya, kamukha raw ito ni Diwata, ang sikat na online personality na kilala sa kanyang viral cooking videos at mga candid na banat.


“Nakakabadtrip talaga kapag kamuka ni Diwata,” ayon kay Rendon sa kanyang post na agad nag-viral online.


Marami ang napa-react sa pahayag ni Rendon may mga natawa, may mga nainis, at may mga nag-akusa sa kanya ng pambabastos at pang-aalipusta. Ang komento ay lumabas sa gitna ng isyu ni Ferdinand Dela Merced, na kamakailan ay binatikos din ng mga netizens matapos niyang humiling ng “VIP treatment” mula sa mga LGU sa Negros Oriental matapos ideklarang persona non grata sa lalawigan.


Sa sumunod niyang pahayag, nilinaw ni Rendon na hindi umano tungkol sa itsura ang kanyang punto, kundi sa ugali at asal ni Dela Merced.


Ayon sa kanya, nakakainis umano ang pag-aasta ng Philippine Looper na parang mas mataas sa ibang tao, lalo na’t hinihingi pa umano nito ng espesyal na pagtrato sa kabila ng kanyang mga kontrobersyal na video.


Dagdag pa niya, dapat magpakatotoo si Dela Merced at matutong humarap sa mga batikos.


Ang isyu sa pagitan nina Rendon Labador at Ferdinand Dela Merced ay muling nagpapatunay kung gaano kabilis lumaki ang mga online banatan sa social media. Habang para kay Rendon, ito raw ay tapat na opinyon laban sa kayabangan, para naman sa ilan, ito ay isa na namang halimbawa ng pagiging insensitive at mapanghusga.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento