Advertisement

Responsive Advertisement

"I DON'T THINK SO" PANGULONG MARCOS NILINAW HINDI KASAMA ANG KANYANG PINSAN NA SI MARTIN ROMUALDEZ SA MGA SANGKOT SA FLOOD CONTROL SCANDA

Huwebes, Nobyembre 13, 2025

 




Nilinaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi kabilang si dating House Speaker Martin Romualdez sa mga opisyal na sinasabing sangkot sa anomalya sa flood control projects na kasalukuyang iniimbestigahan ng pamahalaan.


May ilan nagpahayag ng pangamba, naniniwalang posibleng may pinoprotektahan ang administrasyon dahil sa koneksyon ng Pangulo kay Romualdez. Sa kanyang pahayag, sinabi ng Pangulo na ang tanging ebidensya laban kay Romualdez ay ang mga dokumentong hawak ng Senado, at wala pa umanong sapat na batayan upang isama ito sa opisyal na listahan ng mga sangkot.


“The only evidence that was made against him is in the Senate,” ani Pangulong Marcos, bilang tugon sa mga tanong ng media kaugnay ng umuusok na isyu.


Gayunpaman, binigyang-diin din ng Pangulo na walang exempted sa imbestigasyon.


“If something else comes out, then he might have to be answerable for something,” dagdag pa niya.


Ayon kay Marcos, ang imbestigasyon ay mananatiling patas at transparent. Aniya, hindi dapat pangunahan ng publiko ang resulta ng imbestigasyon at hayaan ang mga awtoridad at korte na maglabas ng pinal na desisyon batay sa mga ebidensya.


Ilang senador, kabilang si Sen. Imee Marcos, ang nagpahayag na dapat papanagutin ang mga nasa likod ng anomalya. Sa mga pagdinig ng Senado, lumabas ang pangalan ni Martin Romualdez, ngunit iginiit ng kampo nito na wala siyang direktang kaugnayan sa mga naturang proyekto. Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee upang tukuyin kung sino ang mga opisyal na may direktang pananagutan.


Ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay malinaw na pagtatangka upang linawin ang mga lumalabas na espekulasyon sa isyu ng flood control scandal. Habang pinipigilan ng Pangulo ang mga haka-haka laban kay Martin Romualdez, tiniyak niyang hindi ligtas ang sinuman sa ilalim ng batas.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento