Diretsahang hinamon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating Ako Bicol Representative Zaldy Co na umuwi sa Pilipinas at harapin ang mga kasong graft at malversation na isinampa laban sa kanya.
Sa harap ng mga mamamahayag, iginiit ng Pangulo na hindi siya natatakot sa anumang paratang at handa siyang harapin ang katotohanan taliwas umano sa mga taong tulad ni Co na patuloy na nagtatago sa ibang bansa.
“Ako, hindi ako nagtatago. Kung meron kang akusasyon sa akin, nandito ako. Para patas lang naman. Kung malinis ka, bumalik ka at harapin mo ang batas,” -PBBM
Kumpirmado ng mga awtoridad na nailabas na ang Interpol Blue Notice laban kay Zaldy Co, na layong tulungan ang mga bansa sa pagtukoy ng kanyang lokasyon at kilos sa labas ng Pilipinas. Si Co ay nahaharap sa mga kaso ng graft at malversation of public funds, kaugnay ng P100 bilyong flood control fund anomaly na patuloy na iniimbestigahan ng pamahalaan.
Sinabi pa ng Pangulo na kung tunay na malinis si Zaldy Co, dapat ay magpakita ito at ipagtanggol ang sarili sa tamang proseso ng batas. Ang kanyang hamon kay Zaldy Co ay malinaw kung talagang inosente, bumalik sa bansa at patunayan ito.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento