Advertisement

Responsive Advertisement

"ALAM NG OMBUDSMAN AT NG PANGULO NA WALA AKONG NILABAG NA BATAS" DATING SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ BUO ANG KUMPYANSA NA MAPAPAWALANG SALA

Lunes, Nobyembre 24, 2025

 



Ipinahayag ni dating House Speaker Martin Romualdez ang kanyang buong kumpiyansa na mapapawalang-sala siya sa mga kasong isinampa laban sa kanya kaugnay ng umano’y iregularidad sa ilang proyekto ng pamahalaan.


Ayon kay Romualdez, naniniwala siyang gagawin ng Office of the Ombudsman ang isang patas, independiyente, at masusing imbestigasyon sa mga ebidensiyang isinumite ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).


“Buong tiwala ako sa proseso. Alam ko na gagawin ng Ombudsman ang tungkulin nito nang may integridad at katarungan” - Martin Romualdez 


Mariing itinanggi ni Romualdez ang lahat ng alegasyon laban sa kanya.


Aniya, wala siyang nilabag na anumang batas, at alam umano ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang malinis na intensyon sa serbisyo publiko. Giit pa niya, hindi siya kailanman nasangkot sa anumang transaksiyong may bahid ng korapsyon.


Kinumpirma ng Ombudsman na sisimulan nila ang masusing pag-review ng lahat ng dokumento at ebidensiyang inihain laban kay Romualdez. Sa gitna ng mga alegasyon, nananatiling kalmado at kumpiyansa si dating Speaker Martin Romualdez na mapapatunayan niyang siya ay walang kasalanan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento