Advertisement

Responsive Advertisement

"ANG PAGIGING INA HINDI LANG PAPEL SA BUHAY KUNDI BUONG PAGKATAO MO" JOLINA MAGDANGAL NAGPAALALA NA HINDI MADALI ANG MAGING INA

Huwebes, Nobyembre 13, 2025

 



Isang emosyonal ngunit inspiradong mensahe ang ibinahagi ng Kapamilya actress at singer na si Jolina Magdangal, kung saan muli niyang ipinaalala sa mga ina at magulang kung gaano kabigat ngunit kaaya-aya ang responsibilidad ng pagiging magulang  isang habambuhay na tungkulin na hindi nagtatapos kailanman.


Ayon kay Jolina, ang pagiging ina ay hindi lamang tungkol sa pagpapalaki ng bata, kundi sa walang sawang sakripisyo ng oras, pangarap, at sarili.


"Hindi ko alam na ganito pala kahirap at kasaya maging nanay. Akala ko noon, sapat na ang pagmamahal. Pero natutunan kong kailangan din ng lakas, tiyaga at panalangin Dahil ang pagiging ina hindi lang papel sa buhay, kundi buong pagkatao mo." emosyonal na pahayag ni Jolina.


Ang naturang mensahe ay agad na nag-viral sa social media matapos itong ibinahagi ni Jolina kung saan maraming ina at magulang ang naka-relate sa kanyang mga salita.


Nilinaw ni Jolina na ang pagiging ina ay hindi natatapos kahit lumaki o magkaroon ng sariling pamilya ang anak. Ito ay nagsilbing paalala sa lahat ng anak na huwag kalimutan ang sakripisyo ng kanilang mga magulang, lalo na ng kanilang mga ina, na patuloy na nagsusuko ng sarili para sa kanilang kapakanan.


Ang mga salita ni Jolina Magdangal ay isang paalala ng kabayanihan ng bawat ina. Sa likod ng ngiti at pagod nila ay may puso ng isang mandirigmang handang isakripisyo ang lahat para sa anak.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento