Advertisement

Responsive Advertisement

"YAN ANG DAPAT TULARAN NG MGA KABATAAN" HARRY ROQUE NAPABILIB AT TINAWAG NA ‘HOTTEST ROCKSTAR IN PHILIPPINE POLITICS’ SI CONG. KIKO BARZAGA

Huwebes, Oktubre 16, 2025

 



Labis ang paghanga ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque kay Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga, matapos nitong magpahayag ng matitinding banat laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Sa isang ambush interview, hindi napigilan ni Roque ang pagsaludo at paghanga sa tapang ni Barzaga sa kanyang mga pahayag laban sa korapsyon at kawalan ng malasakit sa bayan. Tinawag pa niya itong “hottest rockstar in the Philippines” dahil sa pagiging vocal, expressive, at walang takot na maghayag ng katotohanan.


“Bravo! Napaka-vocal at expressive niya. Hindi siya natatakot mamatay para sa bayan ‘yan ang dapat tularan ng mga kabataan,” ani Roque.


Matatandaan na si Barzaga ay naging isa sa mga pinakaaktibong mambabatas na nagsusulong ng transparency at accountability sa gobyerno. Sa mga nagdaang linggo, naging viral ang kanyang mga talumpati at pahayag na tahasang bumabatikos sa mga isyung may kaugnayan sa katiwalian sa kasalukuyang administrasyon.


Ayon kay Roque, bihira na sa panahon ngayon ang mga politiko na handang magsalita ng tapat kahit alam nilang maaaring malagay sa panganib ang kanilang posisyon o buhay.


“Sa politika ngayon, karamihan ay tahimik na lang o takot makabangga. Pero si Cong. Kiko, iba matapang at may paninindigan,” dagdag pa ni Roque


Ang pagpuri ni Harry Roque kay Cong. Kiko Barzaga ay nagpapakita ng pagkilala sa mga lider na may tapang at prinsipyo, sa panahon kung saan maraming politiko ang pinipiling manahimik sa harap ng katiwalian.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento