Advertisement

Responsive Advertisement

"I HAVE FOUND MY PURPOSE" AWRA BRIGUELA, PROUD MAGING ‘FILIPINA GIRL,’ NAGWAGI BILANG 1ST RUNNER-UP SA BEAUTY PAGEANT

Huwebes, Oktubre 16, 2025

 



Nagningning muli si Awra Briguela matapos niyang ikuwento ang kanyang pride at pagmamahal sa pagiging “Filipina girl” at agad itong sinabayan ng isang panalong performance sa isang beauty pageant kung saan itinanghal siyang 1st Runner-Up.


Sa entablado, bumulaga ang tatak-Awra: kumpiyansa, karisma, at karakter. Mula pasarela hanggang Q&A, ipinakita niya na ang pagiging “Filipina” ay hindi lang tungkol sa ganda, kundi sa tapang, talino, at malasakit. Ang kanyang pahayag I have found my purpose. There’s truly nothing in this world like a Filipina girl” ay naging sigaw ng empowerment na umantig sa mga manonood at hurado.


Sa likod ng ilaw at korona, dala ni Awra ang kwento ng maraming kabataang Pilipino na walang takot magtapak sa landas ng pagiging totoo sa sarili. Ipinakita niya na puwedeng pagsamahin ang aliw ng entertainment at advocacy para sa inclusivity: pagtanggap sa sarili, pagrespeto sa iba, at pagdiriwang ng lahat ng anyo ng kagandahan.


Marami ring netizens at fans ang nagpaabot ng suporta, sinasabing ang panalo ni Awra kahit 1st Runner-Up ay panalo ng representasyon ngunit may ibang netizens pa rin ang nasasabi na lalaki parin siya at dapat ang ginamit niya ay isang Filipino Boy hini Filipina Girl.


Pero para kay Awra ang ebidensya na ang modernong “Filipina” ay pwedeng maging sinuman.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento