Isang nakakakilig at nakakantig na kwento ang umantig sa mga puso ng netizens matapos ibahagi ni Jen ang transformation ng kanilang alagang pusa na si Tag — isang dating kuting na muntik nang masagasaan sa highway sa Tagpos, Binangonan.
Ayon kay Jen, noong Enero nila nakita si Tag sa gitna ng highway, nanginginig at gutom, habang ilang sasakyan at motorsiklo ang halos sumagasa sa kanya.
“Rescued this kitten last January, sa highway, na muntik na masagasaan ng ilang kotse at motor. See her transformation. Everyone, meet Tag,” ani Jen sa kanyang Facebook post.
Kwento ni Jen, binalikan nila si Tag para lang ilayo sa highway at ilagay sa mas ligtas na lugar, ngunit nauwi ito sa pagiging bahagi na ng kanilang pamilya.
“Muntik na po kasi namin (along with other cars/motorcycles) siyang masagasaan that time… binalikan namin para sana ilayo sa highway but we ended up adopting her,” dagdag pa niya.
Pinangalanan nila itong “Tag” bilang alaala ng lugar kung saan siya nasagip — sa Tagpos, Binangonan. Ngayon, malusog at masigla na si Tag at masaya sa piling ng kanyang bagong pamilya. Mahilig din umano siyang makipaglaro sa kanilang tatlong aso at regular na napapavet at kumpleto na sa bakuna.
Ang kwento nina Jen at Tag ay patunay na minsan, ang mga buhay na akala natin ay pansamantalang dadaanan lang natin ay sila pa palang mananatili at magbibigay ng walang kapantay na saya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento