Hindi lang sa musika at pelikula abala ang Megastar na si Sharon Cuneta. Sa kanyang pinakabagong proyekto, nagdesisyon siyang gawing negosyo ang isa sa mga hilig niya ang paggawa ng sariling scented candles.
“Ginagawa ko ito hindi lang para sa negosyo, kundi para sa sarili ko. Masarap sa pakiramdam na may nagagawa kang bagay na nakaka-relax ka na, nakakatulong ka pa sa iba. Para sa akin, gift-giving is more meaningful kapag ikaw mismo ang gumawa.” -Sharon Cuneta
Sa isang panayam kay Rico Hizon para sa Beyond the Exchange, ibinahagi ni Sharon na matagal na siyang gumagawa ng candles bilang hobby. Ngunit ngayon, gusto na niya itong gawing maliit na negosyo.
“I think I have decided to turn it into a tiny business,” ayon kay Sharon. “It’s therapeutic for me. When I have time to make them, it’s special.”
May dalawang klase ng candles na ilulunsad si Sharon:
Fun line: Candles na nakalagay sa mga tin cans.
Luxe line: Candles sa mas eleganteng jars na puwedeng ibenta sa boutiques o department stores.
Personal siyang gumagawa ng mga kandila sa kanyang condo, kung saan puno na ang paligid ng wax, wicks, at fragrance oils.
Target ni Sharon na mailunsad ito bago mag-Pasko ngayong taon, para maging bahagi ng kanyang personal na gift-giving.
“While I have the time,” ani Sharon, “I’m preparing for my own gift-giving this Christmas. I’m making my own gifts.”
Ayon kay Sharon, masaya ang kanyang mga anak at sumusuporta sila sa kanyang bagong business venture. Habang naghahanda silang lumipat sa bagong bahay, abala naman si Sharon sa pagbuo ng kanyang candle collection.
Ang kwento ni Sharon Cuneta ay patunay na kahit gaano ka pa kasikat o matagumpay, puwede ka pa ring magsimula ng panibagong bagay na nagpapasaya sa'yo. Hindi mahalaga kung maliit lang ang negosyo, basta't ginagawa mo ito nang may pagmamahal at dedikasyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento