Advertisement

Responsive Advertisement

SUPPLIER NG WEDDING CAKE NINA ZEINAB AT RAY PARKS, NILINAW: "KALOKA HINDI ITO HALAGANG ₱2M!"

Biyernes, Hunyo 13, 2025

 



Naglabas ng opisyal na pahayag ang Honey Glaze Cakes, ang supplier ng wedding cake nina Zeinab Harake at basketball player Ray Parks Jr., upang linawin ang usap-usapang umabot raw sa ₱2 milyon ang presyo ng kanilang cake.


“Ang goal namin ay bigyang katuparan ang wedding dreams ng bawat kliyente sa makatwirang paraan. Hindi kailangan ng milyon para magkaroon ng masarap at magarbong cake—kailangan lang ng malasakit, creativity, at tamang budget.” -cake supplier


Ayon sa viral posts sa social media, sinasabing “multi-million” daw ang halaga ng naturang cake na agaw-pansin sa engrandeng kasalan na ginanap noong Hunyo 1 sa Tagaytay. Ngunit agad itong pinabulaanan ng cake supplier.


“Hindi po totoo ang kumakalat na halaga na ₱2 milyon. Hindi kami gumagawa ng cake na hindi makatarungan ang presyo,” ayon sa Honey Glaze sa kanilang pahayag.


Nilinaw ng kumpanya na bagama’t malaki at magarbong tingnan ang cake, ito ay ginawa ayon sa tamang budget at sa pangarap ng kanilang kliyente.


“We take pride in crafting cakes that are both stunning and delicious, while fulfilling our clients’ dreams without extravagant costs,” dagdag nila.


Nanawagan din sila sa publiko na maging mapanuri sa mga nakikitang viral posts online, lalo na kung wala itong sapat na batayan o kumpirmadong source.


Sa panahon ng fake news at clickbait headlines, mahalaga ang klarong impormasyon mula sa mismong pinagkukunan. Sa kaso ng wedding cake nina Zeinab at Ray, pinatunayan ng supplier na posibleng magkaroon ng eleganteng kasalan nang hindi gumagastos nang sobra.


Ang mahalaga raw ay ang kalidad, pagmamahal, at dedikasyon sa likod ng bawat cake, at hindi ang presyo.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento