Advertisement

Responsive Advertisement

PHILCONSA, NAGBABALA: PAGBABALIK NG IMPEACHMENT CASE NI VP SARA NG SENADO, MAAARING LUMABAG SA KONSTITUSYON

Biyernes, Hunyo 13, 2025

 



Naglabas ng matinding babala ang Philippine Constitution Association (Philconsa) nitong Huwebes matapos ibalik ng Senado sa Kamara ang artikulo ng impeachment laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte, sa halip na ito ay agad isalang sa paglilitis.


“Ang impeachment ay mekanismo ng taumbayan para sa pananagutan. Hindi ito dapat mapigil ng mga gawa-gawang alituntunin o pamumulitikang kilos. Nanawagan kami sa Senado: gampanan ninyo ang tungkulin ayon sa Saligang Batas.” -Reynato Puno


Sa isang opisyal na pahayag, sinabi ni Philconsa Chairperson at dating Chief Justice Reynato Puno na ang hakbang ng Senado—na pinangunahan ni Senate President Chiz Escudero—ay maaaring ituring na malubhang pag-abuso sa kapangyarihan at paglabag sa Konstitusyon.


“Ito ay nagsisilbing hamon sa integridad ng proseso ng impeachment,” ayon kay Puno.

“Ang public office ay isang public trust. Kapag binabale-wala natin ang proseso ng pananagutan, tinataya natin ang pundasyon ng ating demokrasya.”


“Hindi puwedeng mawala ang hurisdiksyon ng Senado dahil lang sa teknikalidad,” dagdag ni Puno.

“Tanging final ruling lamang mula sa impeachment court ang may kapangyarihang tapusin ang kaso.”


Ang naging hakbang ng Senado na ibalik ang impeachment articles sa Kamara ay hindi basta simpleng desisyon. Ayon sa Philconsa, ito ay seryosong usapin ng batas at pananagutan, at kung hindi itutuwid ay maaaring magbukas ng pintuan sa pagsalaula ng ating demokratikong proseso.


Sa panawagan ni Reynato Puno, malinaw ang mensahe:

Ang Senado ay dapat kumilos bilang patas na hukom, hindi bilang tagapagtanggol ng sinumang opisyal.

Kung hindi, ang tunay na talo ay hindi lang ang Konstitusyon, kundi ang sambayanang Pilipino mismo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento