Muling nag-ingay sa social media si Boy Dila, ang 22-anyos na viral sensation mula San Juan na nakilala noong Wattah Wattah Festival dahil sa kanyang kakaibang istilo ng pagbasa sa mga estranghero gamit ang water gun.
“Hindi ako perpekto. Pero gusto ko lang naman makabawi at magsimula ulit. Maraming salamat sa lahat ng tumulong at umintindi,” ani ni Boy Dila.
Ngunit ngayong taon, ibang Boy Dila na ang ating nasasaksihan hindi na masaya at palabiro, kundi seryoso at nangangailangan.
Kamakailan lamang, nakulong si Boy Dila matapos siyang ireklamo dahil sa umano’y catcalling sa isang menor de edad. Sa kanyang paglaya, inamin niyang nangutang lamang siya para sa piyansa, at ngayon ay kailangang magbayad sa taong tumulong sa kanya.
Dahil dito, nagdesisyon siyang ibenta ang iconic niyang water gun—ang mismong baril na ginamit niya sa viral na eksena noong nakaraang taon para sa halagang ₱8,500 kay Boss Toyo, isang kilalang online collector.
“Pinangutang ko lang po ‘yung pinangpiyansa ko. Kaya kahit masakit, ibinenta ko na yung water gun para mabayaran yung utang,” pahayag ni Boy Dila.
Originally, ibinenta niya ito sa halagang ₱15,000, ngunit pumayag din siya sa alok ni Boss Toyo na ₱8,500, dahil kailangan niya ng pera sa lalong madaling panahon.
Ang kwento ni Boy Dila ay paalala na ang kasikatan ay maaaring panandalian, ngunit ang mga desisyon natin sa buhay ay may pangmatagalang epekto. Sa kabila ng pagkakamali at kontrobersya, nagpakumbaba siya at nagsikap gumawa ng tama kahit pa ibenta ang bagay na naging bahagi ng kanyang kwento.
Sa kanyang pagbabalik sa simpleng buhay, dala niya ang aral ng pagsisisi, pagbabago, at muling pagbangon.
Sana ay magsilbing aral at inspirasyon ito sa iba na sa bawat pagkakadapa, may pagkakataong bumangon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento