Advertisement

Responsive Advertisement

LALAKING NA-TRAP SA IMBURNAL SA CEBU, NALIGTAS MATAPOS MAGHANAP NG BARYA SA LOOB NG DRAINAGE

Huwebes, Hunyo 26, 2025

 



Isang 39-anyos na lalaki ang na-rescue sa Cebu City matapos ma-trap sa loob ng imburnal habang naghahanap ng mga baryang maaaring nahulog. Ayon sa ulat, pumasok ang lalaki sa drainage system malapit sa isang unibersidad sa downtown area at gumapang nang halos 500 metro sa loob ng makipot na lagusan.


Ang insidente ay nangyari sa kanto ng Colon Street at P. Lopez Street sa Barangay Kalubihan, Cebu City. Isang residente ang nakarinig ng mga kalabog at sigaw mula sa ilalim ng daan, kaya’t agad siyang tumawag ng tulong.


“Alam kong delikado, pero minsan kailangan mong subukan kahit mahirap ang paraan gusto ko lang ng pera para pangtawid gutom ngayon araw. Salamat sa Diyos at may nakarinig sa akin,” ani pa ng lalaki habang nasa ospital.


Agad rumesponde ang Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office (CCDRRMO) at napilitang tanggalin ang mabigat na bakal na takip ng manhole para mailabas ang lalaki.


Ayon sa ulat, nagbabakasakaling makahanap ng barya ang lalaki sa loob ng drainage system. Ngunit habang nasa loob ng tunnel, nakaramdam siya ng hilo at hirap sa paghinga, at nang tangkaing lumabas, hindi niya na mabuksan ang takip ng manhole mula sa loob.


Agad siyang dinala sa ospital para masuri ang kanyang kalagayan. Tumugon din ang Department of Social Welfare and Services (DSWS) para magsagawa ng assessment at ibigay ang nararapat na tulong.


“Hindi ko na talaga kaya sa loob. Ang sikip, ang init, at parang nawalan ako ng hangin. Akala ko, ’di na ako makakalabas,” pahayag ng lalaki matapos ang kanyang pagkakaligtas.


Ang insidente ay isang malungkot na repleksyon ng kahirapan na nararanasan pa rin ng ilan sa ating mga kababayan. Isinugal ng lalaki ang kanyang buhay sa pag-asang makahanap ng barya sa loob ng drainage, ngunit muntik na siyang mapahamak.


Sa kabila nito, magandang balita na siya ay naligtas, at ngayon ay binibigyan ng pansin at tulong ng mga kinauukulang ahensya.


Ang kwento ng lalaking ito ay paalala sa atin na maraming tao pa rin ang nangangailangan ng tulong, at sana ay magsilbing panawagan ito para sa mas maayos na suporta sa mga kababayan nating nasa laylayan ng lipunan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento