Noong Hunyo 15, ibinahagi ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang isang 30-segundong video sa Facebook. Tila nagsasabi ang mga estudyante rito na hindi sila sang-ayon sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, sinasabing ito’y “selective at political.” Ngunit pagkatapos, lumabas na ang video ay gawa-gawa lang gamit ang AI (deepfake)
Sa kabila ng pagkakalantad na ito ay AI-generated, ipinahayag ni Dela Rosa na hindi niya pinapahalagahan kung ito ay gawa ng AI o sinuman: “I don’t care if this post is AI generated or Manobo generated … I am not after the messenger, I am after the message …” . Ito ang naging dahilan kung bakit hindi niya agad tinanggal ang video.
Ayon sa Malacanyang, hindi dapat basta-basta magbahagi ng "fake news” kahit hindi intensyong manira.
Ang paggamit ng AI para gumawa ng pekeng video ay humahadlang sa katotohanan at maaaring gamitin sa pampulitikang manipulasyon.
Mahigpit ang epekto o kahit di mali, may responsibilidad ang mga opisyal na tiyakin na tama ang kanilang pinapasa.
Ang pangyayari na ito ay paalala sa atin na ang teknolohiya ng AI ay agad nang ginagamit sa paggawa ng pekeng content na napapasa bilang totoo. Sa kapulisan o pulitika, dapat maging responsable sa paglalahad ng impormasyon. Hindi sapat ang intensiyon kailangang tiyakin na tama at tapat ang mensahe upang hindi maabuso ang tiwala ng publiko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento