Advertisement

Responsive Advertisement

"WALANG MASARAP": VLOGGER YOBAB, BINATIKOS MATAPOS BANATAN ANG COFFEE SHOP SA ILOILO

Miyerkules, Mayo 28, 2025

 



Usap-usapan ngayon online ang TikTok video ng content creator na si Euleen Castro, kilala bilang Yobab, matapos niyang idiskrimina ang pagkain sa isang kilalang coffee shop sa Iloilo sa pamamagitan ng salitang: “Walang masarap.”


Sa viral na video, makikitang sunod-sunod na tinikman ni Yobab ang iba’t ibang pagkain at inumin ng “Coffeebreak”, bago idineklarang wala ni isa man ang pumasa sa kanyang panlasa. Habang natatawa, may narinig ding komento mula sa kanyang kasama:


“Pang PWD kasi ‘to, Persons with Diabetes.”


Ang video ay agad na nakakuha ng libo-libong views at mixed reactions mula sa netizens. May ilan na natawa sa delivery, pero karamihan ay nakaramdam ng panglalait sa small business at pagiging bastos sa feedback.


Hindi pinalampas ng Coffeebreak ang naturang video. Sa kanilang opisyal na pahayag sa Facebook, sinabi nila:


“We appreciate all feedback, as it helps us learn and improve. However, we were taken aback by the strong and explicit language used in your review.”


Dagdag pa nila, habang bukas sila sa opinyon, mas magiging makabuluhan kung ang kritisismo ay ipinapaabot nang may respeto.


“While we understand that not everyone will share the same taste, we believe that constructive criticism can always be communicated respectfully.”


Wala pang opisyal na public apology si Yobab sa mga naglabasang reaksyon. Gayunpaman, ilang netizens ang nanawagan na sana’y gamitin ng content creators ang kanilang influence para iangat at hindi sirain ang maliliit na negosyo, lalo na ang mga local coffee shops na nagsusumikap makabawi mula sa pandemya.


“Sana sa susunod, kung hindi man masarap para sa’kin, hindi ko na lang saktan ang mga taong nagbigay ng effort para sa produkto nila. Lahat tayo nagkakamali. Natuto ako.” — Euleen “Yobab” Castro 



Sa panahon ng social media, malakas ang kapangyarihan ng bawat post, lalo na kung viral. Pero sa likod ng bawat viral video, may mga taong maaaring masaktan — kabilang na ang mga maliliit na negosyong nagsisikap lang magtagumpay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento